Nagbabala ang Department of Energy (DOE) na maaaring patuloy pang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo dahil sa lumalalang tensyon sa Middle East.

Naitala na ang unang pagtaas ng presyo simula Marso 3 kung saan nadagdagan ng P1.10 kada litro ang gasolina, P0.50 ang diesel, at P0.90 ang kerosene.

Isa sa mga dahilan nito ang pagsasara ng Strait of Hormuz ng Iran, isang pangunahing ruta ng mga oil tanker. Dahil dito, inaasahang tataas ang shipping cost at maaaring umabot sa P90 hanggang P100 kada litro ang presyo ng gasolina at diesel.

Nilinaw ng DOE na ang posibleng P10 kada litrong dagdag sa presyo sa susunod na linggo ay maaari pang magbago.

Kung mangyari ang malaking pagtaas, hihilingin ng DOE sa mga kumpanya ng langis na ipatupad ito nang paunti-unti upang hindi mabigla ang mga motorista.

-- ADVERTISEMENT --