Inaasahang magpapatuloy ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, na maaaring umabot sa ₱5 kada litro ang bawas sa diesel.

Batay sa pagtaya ni Jetti Petroleum president Leo Bellas, posibleng bumaba ng ₱4 hanggang ₱5 kada litro ang diesel, habang ₱3 hanggang ₱4 naman sa gasolina.

Nakabatay ang naturang forecast sa unang apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS) at galaw ng palitan ng piso kontra dolyar.

Gayunman, hindi pa kasama sa pagtaya ang ocean freight at insurance costs.

Ayon kay Bellas, patuloy na hinihila pababa ng mga diplomatic developments ang presyo ng langis, bagama’t nagkaroon ito ng bahagyang pagtaas dahil sa pangambang maantala ang suplay bunsod ng mga pag-atake sa energy infrastructure ng Saudi Arabia at tensiyon sa Strait of Hormuz.

-- ADVERTISEMENT --