
Pinagpapaliwanag ng Department of Energy (DOE) ang mahigit 100 na gasolinahan dahil sa hindi pagsunod sa ipinapatupad na bawas presyo.
Ayon kay Oil Industry Management Bureau (OIMB) director Rino Abad, na mayroong 213 na gasolinahan ang kanilang inikot mula Nobyembre 10 hanggang 13.
Lumabas sa kanilang pagsisiyasat ay mayroong 114 na mga gasolinahan ay bigong magpatupd ng bawas presyo.
Dadgdag pa nito na binigyan nila ang mga ito ng 72 oras na magpaliwanag subalit hindi naging katanggap-tanggap ang mga paliwanag nila.
Base sa kasi sa ilang rason ng mga gasolinahan na ilang linggo na nila nabili ang mga langis bago pa magpatupad ng bawas presyo.
Ipinasa na nila sa kanilang Legal Department ang nasabing inspection reports.
Sakaling mapatunayan na lumabag ang mga ito ay mahaharap ang mga may-ari ng gasolinahan ng pagkakakulong ng mula tatlong buwan hanggang isang taon at multa na mula P50,000 hanggang P300,000.
Maari ring magpatupad ang DOE ng administrative sanctions kabilang ang monetary penalties o pagsuspendi sa lisensya ng nasabing establishimento.










