Tutol ang pro-administration members ng House of Representatives sa muling pagbabalik ng online cockfighting o “e-sabong” upang makabawi sa mawawalang kita ng pamahalaan mula sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagbawal ang lahat ng Philippine overseas gaming operations (Pogos).

Sinabi nina Laguna Rep. Dan Fernandez, Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., at Antipolo Rep. Romeo Acop dapat na panatilihin na bawal ang e-sabong sa bansa dahil katulad din sa Pogo ay may mga kaparehong issue ito na disappearances, pang-aabuso at korupsion.

Ginewanng legal ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang online gaming noong 2017 sa pamamagitan ng Executive Order No. 13 na ang layunin ay palakasin ang kampanya laban sa illegal gambling.

Subalit, sa kanyang kautusan ay pinayagan niya ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) na magbigay ng lisensiya sa online gaming establishments tulad ng online cockfighting at Pogos.

Nagsimula ang operasyon ng e-sabong noong April 2021, subalit ipinagbawal ito ni Duterte noong May 2022 kasunod ng pagkawala ng 30 mananabong na pinaniniwalaan na nagkautang sa e-sabong operations.

-- ADVERTISEMENT --