Agricuture Sec. Manny Piñol

TUGUEGARAO CITY – Ilalatag ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa susunod na cabinet meeting ang proposal ng Israeli government para sa solar powered irrigation projects sa Pilipinas.

Sa kanyang pagbisita sa lalawigan ng Cagayan, inihayag ni Piñol na aabot sa P44 bilyon ang loan na maaaring ibigay ng Israel para sa pagpapatayo ng 6,200 units ng solar powered irrigation sa bansa.

Sa naturang proposal, papalitan na ng pamahalaan ang kasalukuyang sistema ng irigasyon sa bansa ng mga solar panels na inaasahang magpapalago sa sektor ng pagsasaka.

Dagdag pa ng kalihim na papalitan ng pamahalaan ng walong solar panels ang bawat makinang patubig na ginagamitan ng krudo.

Inihalimbawa ng kalihim ang mga bansang nasa disyerto tulad ng Israel, Southern California at Egypt na kinikilala sa larangan ng pagsasaka dahil sa naturang teknolohiya.

-- ADVERTISEMENT --
Bahagi ng talumpati ni Agriculture Sec. Manny Piñol

Naniniwala si Piñol na makakatulong ang naturang proyekto sa mga magsasaka bilang solusyon tuwing tagtuyot sa bansa.