Nagsumite ang prosecution sa kasong crimes against humanity ni dating pangulong Rodrigo Duterte ng 139 items of evidence sa International Criminal Court (ICC).
Base sa dokumento noong May 5, nagsumite si ICC prosecutor Karim Khan ng 139 items of evidence na inorganisa sa apat na disclosure packages sa ICC Pre-Trial Chamber 1 noong April 30.
Nilagyan ng label ang mga packages na contextual elements, modes of liability, murder during Duterte’s term as mayor, at murder under barangay clearance operations during his term as president.
Una rito, sinabi ni Khan na inihahanda na nila ang dalawang testigo, 16 hours ng audio video files, at halos 9,000 na pahina ng mga dokumento para sa confirmation of charges na isasagawa sa September 23, 2025.