Mas marami pang private lawyers ang inaasahang sasama sa prosecution team bago magsimula ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa July 6,2026.

Ito ang inihayag ni House prosecution lead at Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro.

Ayon kay Luistro, patuloy ang paglapit ng mga abogado upang tumulong sa kaso bilang suporta sa paninindigan ng House of Representatives para sa pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno.

Nauna nang ipinakilala ng House prosecution panel ang 10 private lawyers na tutulong sa 11 public prosecutors.

Posible ring ipakilala ang susunod na grupo ngayong linggo.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Luistro na ang mga sasaling private lawyers ay dapat kapareho ng kanilang paninindigan, handang magtrabaho nang walang bayad, at may sapat na kakayahan sa paghahanda at pagdinig ng kaso.

Naghahanda na rin ang prosecution team para sa pre-trial conference sa Hunyo 18 bago ang pormal na pagsisimula ng paglilitis.