Namahagi ang provincial government ng cagayan ng fishing gears o gamit sa pangingisda sa 2,409 na mangingisdang Cagayano na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad sa lalawigan kamakailan mula sa labing tatlong bayan sa cagayan.
Ayon sa Office of the Provincial Agriculturist (OPA) ng PGC, ang mga mangingisdang nabigyan ay mula sa mga bayan ng Abulug, Aparri, Ballesteros, Buguey, Calayan, Camalaniugan, Claveria, Gonzaga, Lal-lo, Pamplona, Sta. Ana, Sta. Praxedes, at Sta. Teresita.
Ayon kay Engr. Pearlita P. Mabasa, Farm School Administrator at Overseer of Agriculture Programs & Projects ng PGC, nasa 1,675 na fisherfolk na may ari ng fishponds ang inabutan ng tulong; 496 dito ang fisherfolks na pumapalaot sa karagatan, at 238 na mangingisdang gumagamit ng fish cage ang binigyan ng fishing gears.
Samantala, ang pondo sa mga ibinahaging tulong ay mula naman sa donasyon na P15 milyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.