ctto

TUGUEGARAO CITY-Muling nanawagan ang provincial government ng Cagayan sa publiko lalo na ang mga umuwi o pauwi pa lamang sa probinsiya na galing sa lungsod ng Maynila na sumunod sa 14 day home Quarantine.

Ayon kay Rogie Sending ng Cagayan Provincial Information Office, ikinokonsedara ng Person Under Monitoring (PUM) ang lahat ng mga galing sa Maynila kung kaya’t sumunod sa mga panuntunan.

Aniya, dapat maging responsible ang bawat mamamayan para makaiwas sa virus at mapanatili na covid free ang Cagayan.

Nabigyan na rin ng abiso ang mga alkalde at kapitan sa lahat ng barangay para paalalahana at imonitor ang kanilang nasasakupang lugar.

Pinayuhan naman ni Sending ang mga estudyante na huwag samantalahin ang walang pasok na gagala sa halip ay mag-aral na lamang.

-- ADVERTISEMENT --