TUGUEGARAO CITY- Pinayuhan ni Dr. Carlos Cortina, head ng Provincial Health Office ng Cagayan ang mga mamamayan na mag-ingat sa sakit na leptospirosis ngayong panahon ng tag-ulan.
Sinabi ni Cortina na kung maaari ay iwasan ang magtampisaw sa mga tubig baha.
Ayon pa kay Cortina, ang madalas na tinatamaan ng nasabing sakit ay ang mga bata dahil sa pagtatampisaw sa mga tubig- baha at mga magsasaka dahil sa hindi naman pwede na hindi sila lumusong sa kanilang mga bukid.
Dahil dito, sinabi ni Cortina na kung mapapansin na may paninilaw na ang mga mata at lagnat ay agad na magpatingin sa mga duktor upang ito ay agad na magamot at hindi na umabot na na kailangan na sumailalim sa renal dialysis.
-- ADVERTISEMENT --