Ipagpapatuloy parin ng pamunuan ng Philippine Statistics Authority at Department of Social Welfare and Development ang pagbibigay ng National ID authentication services para sa mga benepisyaryo ng 4Ps sa buong bansa.
Sinabi ni PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, na ang desisyong ito ay bunga ng isinagawang pulong ng PSA at DSWD kamakailan.
Aniya, gagamitin ang scanning procedure ng fingerprint para matiyak ang kanilang pagkakakilanlan at pagtugma sa kanilang National ID registry.
Ito ay magiging bahagi ng identity verification para sa lahat ng mga miyembro ng 4Ps sa Pilipinas.