TUGUEGARAO CITY- Nagbabala ang Philippine Statistics Authority Region 2 laban sa gumagamit sa pangalan ng ahensiya para makapangikil ng pera.

Ito ay kasunod ng inihayag ng isa sa 50 agta na naharang sa Tuguegarao at Alcala noong Sabado na dadalhin sana sa Maynila.

Sinabi ni Marilyn Estrada, director ng PSA Region 2 na ayon sa nasabing agta, kinuha ang kanilang personal data ng grupong nanghikayat sa kanila na pumunta ng Maynila para umano sa Philippine National ID System.

Ayon pay Estrada may ilang indibidual din umano ang nanghihingi ng P400 hanggang P600 para sa kanilang National ID.

-- ADVERTISEMENT --

Nilinaw ni Estrada na wala pa silang binigyan ng otorisasyon ng PSA para magsagawa ng pagkuha sa personal data ng mga residente.

Bukod dito, sinabi ni Estrada na walang babayaran sa pagkuha ng National ID.

ang tinig ni Estrada

Kaugnay nito, sinabi ni Estrada na maaaring sa huling quarter ng taong 2020 pa ang full implementation ng National ID System.

Ayon sa kanya, noong unang bahagi ng kasalukuyan buwan pa lang isinagawa ang pilot testing sa registration kit sa kanilang central office.

Sinabi niya na naantala ang procurement sa mga gagamitin sa nasabing sistema dahil sa re-enacted budget.

muli ang tinig ni Estrada