

TUGUEGARAO CITY- Pansamantalang sarado ang Philippine Statistics Authority o PSA Region 2 na matatagpuan sa Barangay Carig Sur, Tuguegarao City hanggang bukas.
Sinabi ni Marilyn Estrada, director ng PSA Region 2 na walo sa siyam na nagpositibo sa antigen test ang nagpositibo sa RT-PCR test sa kanilag mga kawani.
Dahil dito, sinabi niya na muling magbubukas ang kanilang tanggapan sa araw ng Lunes upang bigyan daan ang dis-infection sa kanilang gusali.
Samantala, sinabi ni Estrada na binuksan na nila ang kanilang task force training para sa registration para sa national ID ngayong 2022.
-- ADVERTISEMENT --
Ang PSA ay lumipat na sa kanilang bagong tanggapan mula sa kanilang dating opisina sa loob ng city hall ng Tugguegarao.




