Pinatay at pinaghiwa-walay ang katawan ng isang pulis ng isa pang pulis sa Camp Bagong Diwa sa Lower Bicutan, Taguig City matapos na mahuli ng huli ang biktima na nagniniig ang mga ito sa asawa ng suspect.

Sinabi ni Police Major Hazel Asilo, public information officer ng Southern Police District, na nangyari ang krimen noong November 28.

Ang biktima na hindi muna inilabas ang kanyang pangalan ay may ranggo na police executive master sergeant.

Sinabi ni Asilo, nakita ang katawan ng biktima noong December 5 sa hukay sa bahay ng lalaking suspect sa Baguio City.

Ayon kay Asilo, inamin ng suspect na isang police lieutenant colonel ang krimen at gumawa na rin siya ng kanyang affidavit.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Asilo na iniimbestigahan pa ang insidente, subalit crime of passion ang anggulo na nakikitang motibo sa krimen.

Ayon kay Asilo, base sa statement ng suspect, nadatnan niya ang kanyang asawa na may kaniig at binaril niya ang biktima.

Gumamit umano ang suspect ng lagare at pinaghiwa-hiwalay ang parte ng katawan ng biktima.

Ibiniyahe ng suspect ang biktima gamit ang pickup sa Baguio City at dito niya inilibing.

Kasunod nito, ay sinabi ng suspect kung saan niya inilibing ang biktima.

Sinabi ni Asilo na bago natagpuan ang katawan ng biktima ay iniulat siyang nawawala.

Ayon sa kanya, pumunta mismo sa Camp Bagong Diwa ang anak ng biktima dahil doon siya huling pumunta.

Kaugnay nito, sinabi ni Asilo na itinuturing na suspect ang asawa ng suspect at posibleng maharap sa kasong conspiracy dahil sa nangyari ang krimen habang kasama niya ang biktima.

Sinabi niya na posibleng ihain ang kasong murder sa mag-asawa.

Sa ngayon ay hinahanap pa ang lagare na ginamit ng suspect sa krimen.

Ayon pa kay Asilo, hinihintay pa ang forensic report para malaman kung ilan ang tama ng baril na tinamo ng biktima.