
Binanatan ni Davao City First District Representative Paolo “Pulong” Duterte ang umano’y utos ng isang government agency na imbestigahan ang kanilang mga ari-arian.
Sa kanyang pahayag sa facebook post, sinabi ni Duterte na ayon sa kanyang mga impormante, isang ahensya ng pamahalaan na aniya’y may kinakaharap na mga isyu sa integridad ng pamumuno ang nag-utos sa isang Investigation Division for Public Corruption na magsagawa ng imbestigasyon laban sa kanilang mga ari-arian.
Hindi naman tinukoy ni Duterte ang pangalan ng ahensya o nagbigay ng karagdagang detalye tungkol sa sinasabing imbestigasyon.
Iginiit ni Duterte na kung may isasagawang imbestigasyon o case build-up laban sa kanila, dapat umano itong nakabatay sa ebidensya at patas na proseso, at hindi sa pulitika.
Hinamon din niya ang mga nagsasagawa ng imbestigasyon na tingnan ang mga personalidad na inuugnay sa kontrobersiya sa flood control projects, kabilang umano ang mga opisyal na aniya’y dapat ding managot.Pag-alam Sa Update Sa Natural Disaster
Sinabi pa ni Duterte na hindi sila matatakot sa umano’y pananakot, harassment o political persecution, at iginiit na kung may mananagot sa mga kontrobersiya, dapat aniyang lahat ng sangkot ay imbestigahan at panagutin.










