Ipinahayag ni Davao City Representative Paolo “Pulong” Duterte ang pagkadismaya sa umano’y ginawang “panliligalig” ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa kanyang pamilya, kasunod ng pagdating ng nasa 90 Special Action Force (SAF) at 30 CIDG personnel mula Luzon sa kanilang lugar.

Ayon kay Duterte, tila ginagamit na umano ang batas hindi para sa hustisya kundi para sa pansariling interes.

Sinabi niya na nakakalungkot na ang mga sinumpaang tagapagtanggol ng batas ay tila nabulag hindi ng katarungan, kundi ng salapi.

Sa kabilang banda, mabilis na itinanggi ng PNP ang alegasyon, at iginiit na wala silang operasyon sa Davao na layong i-target ang pamilya Duterte.

-- ADVERTISEMENT --