TUGUEGARAO CITY-Ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-Region 2 na kailangang kumuha ng special permit ang mga Public Utility Vehicle (PUV) operators bago muling mamasada kasabay ng pagpapatupad ng General Community Quarantine sa buong Region 2.

Ayon sa pamunuan ng LTFRB-Region 2, ikokonsiderang kolorum ang mga magtatangkang bibyahe na bigong makakakuha ng special permit kahit sila’y legal franchise holder.

Kaugnay nito, maaaring mag- request ng special permit sa pamamagitan ng online transaction request form o di kaya’y bisitahin ang facebook page ng LTFRB -Region 2 para magabayan kung paaano kumuha ng special permit.

Kasabay nito,inihayag ng LTFRB na libre o walang bayad ang pagkuha ng special permit.