
Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang petisyon ni Atty. Manases Carpio na humihiling na pigilan ang impeachment proceedings laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte.
Ayon kay Judge Madonna Echiverri, walang hurisdiksyon ang korte dahil ang impeachment ay eksklusibong kapangyarihan ng Kamara.
Tinanggihan din ang hiling na injunction laban kina Speaker Faustino Dy III, Rep. Gerville Reyes-Luistro, at BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza.
Giit ng RTC, ang House ay may awtoridad na magsagawa ng impeachment at mag-isyu ng subpoena, kaya hindi ito maaaring pigilan ng korte.
Sinabi rin ng korte na ang kaso ay dapat dinala sa Korte Suprema dahil sangkot dito ang co-equal branches ng gobyerno.
-- ADVERTISEMENT --










