
Inanunsyo ng mga organizer ng Palarong Pambansa na ang Quezon City ang magiging host ng taunang grassroots sporting event sa 2027.
Inihayag ito ni Palarong Pambansa secretary general na si Malcolm Garma sa isang press conference sa Agusan del Sur nitong Huwebes.
Ayon kay Garma, isasagawa ang pormal na turnover sa closing ceremony ng kasalukuyang torneo.
Hudyat din ito ng pagbabalik ng Palarong Pambansa sa National Capital Region matapos huling idaos sa Metro Manila noong 2023 nang maging host ang Marikina.




