Itinanggi ni Pastor Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang mga alegasyon ng human trafficking at sexual abuse.
Sa pagtatanong ni Senator Risa Hontiveros sa pagdinig ng Senate committee on women, family and children itinanggi lahat ng Quiboloy ang mga nasabing alegasyon.
Kasabay nito, hinamon ni Quiboloy ang mga nag-aakusa sa kanya na magsampa ng kaso sa korte at handa niyang harapin ang mga ito.
Una rito, isinalaysay ng ilang resource persons na dating mga miyembro ng KOJC ang kanilang karanasan, kung saan may nagsabi na pinilit siya na sumailalim sa dry fasting sa loob ng pitong araw.
Sinabi naman ng isang ina na iniwan ang anak na 13 anyos sa pangangalaga ng KOJC sa pangako na siya ay pag-aaralin na pinagpalimos ang kanyang anak at hindi siya pinag-aral.
Ayon sa ina, nagduda siya nag-aaral ang kanyang anak nang malaman na nagtitinda siya ng pagkain ng umaga hanggang gabi.
Dahil dito, sinabihan ang ilang opisyal ng KOJC na kung hindi ibibigay ang kanyang anak ay susugod sila kasama ang ilang kawani ng DSWD at Department of Education.
Nagpapasalamat ang ina dahil sa inihatid ang kanyang anak sa kanilang bahay.
Iginiit naman ni Quiboloy na ang dry fasting ay boluntaryo at hindi sapilitan.
Subalit, kinontra ito ng resources person at sinabi na ito ay utos.
Sinabi pa ni Quiboloy na hindi polisiya ng KOJC na magpalimos ang kanilang mga miyembro para maipagpatuloy ang operasyon ng kanilang simbahan.
Subalit, sa ilang usapin tulad ng pagkakaroon nito ng goons o ang tinatawag na “Angels of Death”, ipilit na ipakasal ang isang miyembro sa ibang bansa upang hindi sila makabalik ng Pilipinas, at ang kaugnayan ng Angels of Death sa Duterte death squad, tumangging magbigay ng anomang impormasyon si Quiboloy.