Dumating NA si Ramil Madriaga, ang nagpakilalang dating aide at umano’y “bagman” ni Vice President Sara Duterte, sa House of Representatives upang tumestigo sa mga pagdinig kaugnay ng impeachment laban sa bise presidente.

Dumating si Madriaga sa Batasang Pambansa Complex bago mag-7 a.m., halos isang oras matapos siyang umalis mula sa kanyang detention center sa Camp Bagong Diwa bandang alas-6 ng umaga.

Sinamahan siya ng convoy na binubuo ng mga tauhan mula sa National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at security ng Kamara.

Pagdating, dinala si Madriaga sa isang holding area ayon sa kanyang abogado.

Inaasahang haharap siya sa House Committee on Justice matapos siyang padalhan ng subpoena para magbigay-linaw sa mga isyung kaugnay ng impeachment proceedings laban kay Duterte.

-- ADVERTISEMENT --