Sinisi ng mga Senador at environmental groups ang reclamation projects sa Manila Bay sa malawakang pagbaha sa Metro Manila at sa kalapit na mga probinsiya, kabilang ang seaside street sa compound ng Senado.

Sinabi ni Sen. Juan Miguel Zubiri na ito na ang resulta ng nasabing proyekto.

Ayon sa kanya, wala nang labasan ang tubig-baha sa Pasay at Manila.

Ganito rin ang sinabi ni Sen. Joel Villanueva at sinisi ang Public Works and Highways (DPWH) dahil sa hindi umano pagtugon sa nasabing problema.

Sinabi naman ni Sen. JV Ejercito na posibleng ang reclamation ang dahilan kaya binaga ang compound ng Senado sa kauna-unahang pagkakataon.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon naman kay Jonila Castro, ang advocy officer ng Kalikasan People’s Network for the Environment na ang matinding pagbaha sa Metro Manila, Bulacan, Cavite at Bataan ay direktang resulta ng mawalakang reclamation sa Manila Bay.