Isinailalim na sa Red Alert status ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang kanilang Operations Center bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Kristine.

Sa ulat ng NDRRMC, suspendido na ang klase sa 81 paaralan, 69 ay mula sa CALABARZON habang 12 ay mula sa Region 6 Western Visayas.

Nauna nang ini-activate ng Office of Civil Defense ang “Charlie” protocol, ang pinakamataas na paghahanda sa pitong rehiyon sa bansa upang matiyak ang mabilis na aksyon sa mga apektadong lugar.

Kabilang sa mga rehiyong ito ay ang Cordillera Administrative Region (CAR), Regions II, III, V, VIII, CALABARZON, at MIMAROPA, na itinuturing na high-risk areas.

Samantala, nakataas naman ang “Bravo” protocol sa Region I at BARMM habang ang NCR, Regions VI, VII, XII, IX, X, at CARAGA ay nasa ilalim ng “Alpha” protocol.

-- ADVERTISEMENT --