TUGUEGARAO CITY-Bumaba na sa “low-risk” category ang buong Lambak ng Cagayan dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga kaso sa Rehiyon.

Ayon kay Dr. Nica Taloma ng Department of Health o DOH Region 2, mula sa 4,798 na kaso ng COVID-19 na naitala sa rehiyon noong May 30 hanggang June 12 ng kasalukuyang taon ay bumaba ito ng 3,463 noong June 13 hanggang June 26.

Ibig sabihin, bumaba sa 27percent ang 2-week growth rate o pagdami ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon kung saan

Bumaba rin ang naitatalang average daily attack rate (ADAR) o bilis ng pagdapo ng virus.

Samantala, tanging ang lalawigan ng Cagayan na lamang sa mga probinsiya at Tuguegarao City sa mga siyudad sa Region 2 ang kabilang sa ‘Moderate risk’ category mula sa dating High risk.

-- ADVERTISEMENT --

Habang ang mga nalalabing lugar sa rehiyon gaya ng mga lalawigan ng Quirino, Isabela at Nueva Vizcaya kabilang ang Santiago City, Cauayan City at City of Ilagan ay nasa “Low” status na rin.

Nananatili namang nasa ‘Minimal’ classification ang lalawigan ng Batanes.

Dagdag pa ni Taloma na bumubuti na rin ang health care utilization o lagay ng mga ospital sa buong rehiyon dos.

Malaki umano ang naitulong ng pagsunod ng publiko sa ipinapatupad na minimum health standards at vaccination roll-out upang mapababa ang kaso ng COVID-19.