
Inaasahang tatalakayin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ugnayan ng Pilipinas at China, partikular ang nagpapatuloy na tensyon sa West Philippine Sea, sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 27.
Sa nakalipas na isang taon, muling iginiit ng administrasyon ang polisiya nitong “kaibigan sa lahat, kaaway ng wala” habang patuloy na ipinaglalaban ang karapatan at soberanya ng bansa sa West Philippine Sea.
Pinagtibay rin ng pamahalaan ang suporta nito sa rules-based international order at sa 2016 arbitral ruling na nagsasabing walang legal na batayan ang malawak na pag-angkin ng China sa South China Sea.
Sa kabila ng mga diplomatikong protesta at patuloy na presensya ng mga sasakyang pandagat ng China sa mga pinag-aagawang karagatan, nananatiling isinusulong ng Pilipinas ang mapayapang pagresolba sa sigalot sa pamamagitan ng diplomasya, habang pinalalakas din ang pakikipag-ugnayan nito sa mga kaalyadong bansa tulad ng Estados Unidos, Japan, at Australia.










