Itinakda na sa Pebrero 3/araw ng Martes ang muling pagdinig ng House Committee on Ethics and Privileges, kaugnay sa reklamo laban kay suspended Ca­vite Rep. Kiko Barzaga.

Ayon kay 4Ps PL Rep. JC Abalos, chairman ng Ethics Panel — nagpadala na sila ng notice sa opisina ni Barzaga, at tinanggap naman ito.

Inaasahan aniya ng komite ang attendance o pagdalo ni Barzaga at buong kooperasyon niya sa pagdinig.

Matatandaan na inaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang mosyon na magsagawa ng hea­ring at ipatawag ng Ethics Committee si Barzaga, kasunod ng privilege speech ni Manila Rep. Ronaldo Valeriano.

Hirit kasi ng kongresista, dapat na muling patawan ng suspensyon si Barzaga dahil sa paglabag sa mga kondisyon ng Ethics Committee.

-- ADVERTISEMENT --

Gaya ng patuloy na pagpo-post sa kanyang social media accounts, na nakakasira umano sa imahe at integridad ng Kamara.

Subalit sa isang post ni Barzaga, nagsabi siya na hindi siya sisipot sa hearing at kung gusto ng komite ay i-expel na lamang siya.