Iginiit ni Rep. Leviste ang panawagan para sa transparency sa paggamit ng P18.6 bilyong Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng Kongreso, o katumbas na P58.4 milyon kada kongresista.

Binanggit din niya ang pahayag ni Senator Imee Marcos na umano’y makatatanggap ng karagdagang P3 milyong Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) kada buwan at P20 milyong cash ang mga mambabatas na boboto pabor sa impeachment.

Ayon kay Leviste, hindi niya tinanggap ang kaniyang MOOE dahil sa mga isyung kinakaharap nito, kasabay ng panawagang gawing mas bukas at malinaw ang paggamit ng pondo ng Kongreso. l Bombo Jai Jangayo