CTTO

Aprubado na sa pangatlo at pinal na pagbasa ng konseho ng Tuguegarao ang isang resolusyon na naglalayong hilingin kay Department Of Transportation(DoTr)Arthur Tugade na isailalim sa upgrading ang Tuguegarao City Airport.

Sa naganap na regular session ng City Council kahapon, lahat ng mga miembro ng city council ay sumang-ayon sa naturang resolusyon.

Layon nitong palitan ang mga lumang pasilidad ng paliparan dahil sa ngayon ay madami ng luma at kailangan na itong palitan.

Una rito, hiniling ni Tuguegarao City mayor Jefferson Soriano sa kanyang konseho na magpasa ng resolusyon upang hilingin kay Dotr Tugade na isailalim sa upgrading ang naturang paliparan.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na ang alkalde sa opisina ni Tugade kung kailan maaring makausap ang opisyal para maiabot ang naturang resolusyon.

-- ADVERTISEMENT --