Tuguegarao City- Ikinatuwa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang naging resulta ng pagsasagawa ng provincial consultations kaugnay sa sistema ng pederalismo sa Mindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Tuguegarao kay Ding Generoso, spokesman ng Consultative Committee (CONCOM)ay maganda aniya ang pagtanggap ng publiko sa Mindanao area sa kanilang isinagawang konsultasyon.

Sinabi pa nito na umabot sa libu-libong mga volunteers ang tumulong upang maipakilala ang pederalismo sa nasabing rehiyon habang dinaluhan naman ito ng maraming mga kabataan, estudyante at iba pang mga residente.

Paliwanag pa ni Generoso na mahalaga ang kanilang ginagawang consultations upang sa sandaling pagbobotohan na ang pederalismo ay marami ang susuporta dito.

Samantala, patuloy pa rin aniya ang kanilang grupo sa pagsasagawa ng consultations sa iba pang probinsya ng Mindanao katuwang ang National Anti-Poverty Commission.

-- ADVERTISEMENT --