Ipinunto ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson na maliban sa walang saysay ang mungkahing debate ni Senador Rodante Marcoleta ay maari itong makaapekto sa pangunahing karapatan ng mga Pilipinong matagal ng naninirahan sa Kalayaan Island Group.
Kasunod nito, umapela ang senador kina retired SC Associate Justice Antonio Carpio at UP Professor Atty. Jay Batongbacal na huwag nang patulan ang debateng ito.
Maalala, una nang iginiit ng senador na ang KIG ay pagmamay-ari ng Pilipinas dahil nang madiskubre ito ay wala pa namang nagmamay-ari nito.
Samantala, nahihirapan naman daw ang senador na panoorin ang naging mainit na debate ng Senado hinggil sa isyung ito dahil imbis na magkaisa ay ganito pa ang nangyayari.






