Patay ang isang ang retiradong guro matapos na magbigti sa Libag Norte, Tuguegarao City kahapon ng hapon.

Nakilala ang biktima na si Guillermo Cahigas , 67 anyos.

Ayon kay Rosalina Allam, iniwan niya ang biktima sa loob ng kanilang bahay na kumakain ng pananghalian dahil pumunta siya sa Peoples General Hospital.

Subalit nang bumalik na siya sa kanilang bahay, nagulat siya nang makita niya ang kanyang kuya na nakabitin na sa ballaster ng kanilang bahay gamit ang nylon rope.

-- ADVERTISEMENT --