Inihayag ng Malakanyang na maaaring ikonsidera ng gobyerno ang pagbibigay ng reward o pabuya sa pag-aresto kay dating Ako Bicol congressman Zaldy Co, na nahaharap sa corruption at malversation charges na may kaugnayan sa flood control projects controversy.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, wala pang napag-uusapan tungkol sa nasabing usapin.

Idinagdag pa ni Castro na ang tanging utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kaukulang ahensiya ay hanapin sai Co.

Hindi kinumpirma ni Castro ang mga ulat na nasa Portugal si Co, at sinabing patuloy pa ang beripikasyon ng mga ahensiya sa kanyang aktuwal na kinaroroonan.

Nauna nang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pag-aresto kay Co matapos maglabas ng warrant of arrest laban sa tumakas na mambabatas.

-- ADVERTISEMENT --