Tuguegarao City- Huhuliin na sa Tuguegarao City simula sa araw ng Sabado ang mga riding-in-tandem.

Ito ay alinsunod sa ipinalabas na Executive Order ni Mayor Jefferson Soriano kaugnay sa pansamantalang pagbabawal na mag-angkas upang maipatupad ang social distancing laban sa covid-19.

Ayon kay Soriano, kailangan ng kooperasyon at pang-unawa ng publiko upang maiwasan ang pagpasok ng COVID-19 sa lungsod.

-- ADVERTISEMENT --
ang tinog ni Mayor Soriano

Iiral ang ito hanggang sa hindi binabawi ng alkalde ang kautusan.

Pinaaga at pinahaba na rin ang curfew hour sa lungsod na mula 8:00 pm hanggang %:00 am.

Pinatanggal na rin ng alkalde ang mga nakalagay na mga karatula na “no face mask, no entry”.