Tinawag ni Rizal Vice Mayor Joel Ruma na politically motivated ang paghahain sa kanya ng warrant of arrest kasabay ng nalalapit na halalan ngayong taon.
Aniya, naiintindihan nitong trabaho lamang ng mga otoridad na hanapin siya dahil sa inilabas na warrant of arrest ng korte ngunit sa ngayon ay gumagawa na ng hakbang at pinag-aaralan na ng kanilang kampo ang iba pang legal remedies na dapat ilatag para sa kanilang apela na mapawalang bisa ang mandamyento de aresto laban sa kaniya.
Saad nito, 2018 ng unang na-dismissed sa City Prosecutors Office sa Tuguegarao ang kasong inihain ng anak ng napatay na dati nitong kaalyado na si councilor Alfredo Alvarez na pinagbabaril ng riding in tandem sa Tuguegarao City.
Ngunit, matapos nito ay iniakyat naman ang kaso sa Departmet of Justice sa Manila kung kayat naghain sila ng motion for reconsideration para kuwestiyonin ito ngunit wala pang desisyon ang korte.
Labis din aniyang nakakapagtaka ang masyadong mabilis na proceso at paglabas ng desisyon ng kaso gayong wala namang sapat na basehan at ebidensyang magpapatunay na siya ay sangkot sa krimen.
Binigyang diin din ng opisyal na wala siyang kinalaman sa nasabing pamamaslang at hindi rin niya kilala ang mga iba pang inisyuhan ng warrant of arrest maliban kay Simeon Baloran na dating Job Order sa LGU Rizal.
Kabilang pa sa pinaaaresto ng korte ay sina Jessie Labang, Dalden Guiyawan, Jose Batang at Jocel Sacayle.
Si Ruma ay tumatakbo ngayon sa pagka-alkalde ng bayan ng Rizal, Cagayan.
Sa hiwalay na panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Major raymund baggayan, hepe ng pnp rizal na naglunsad sila ng hot pursuit operation laban sa bise alkalde at mga kasamahan nitong nahaharap sa kasong pagpatay matapos na inilabas ang warrant of arrest na inisyu ni judge vilma pauig ng regional trial court branch 2 dito sa lungsod ng tuguegarao.