Isang engineering center sa Japan ang nakapagtala ng world record matapos silang makagawa ng robot na kayang mag-solve ng Rubik’s cube sa loob ng 0.305 seconds!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang Component Production Engineering Center ng Mitsubishi Electric Corporation ang pinakabagong record holder ng titulong “Fastest robot to solve a rotating puzzle cube”.

Ang Rubik’s Cube ay isang 3D combination puzzle na likha ni Ern? Rubik, isang Hungarian architect at professor of architecture. Binuo ni Rubik ang unang mo­delo ng cube noong 1974, at inilabas ito sa publiko noong 1977. Ito ay binubuo ng mga maliit na cubes na maa­aring ikilos sa iba’t ibang mga direksyon, at ang layunin ay ibalik ito sa orihinal na pagkakaayos kung saan ang bawat side ng cube ay may parehong kulay.

Ang Rubik’s Cube ay na­ging simbolo ng logic at problema-solving sa buong mundo at isa sa pinakamabenta at pinaka-popular na puzzle sa kasaysayan.

Sa kasalukuyan, ang pinakamabilis na tao na kayang mag-solve ng rubik’s cube ay may record na 3 seconds.

-- ADVERTISEMENT --