Sarado ang ilang mga kalsada sa Kalinga dahil sa pagguho ng lupa at bato bunsod ng pag-ulang dala ng amihan at bagyong Tisoy ngayong Martes.
Ayon kay Engr. Samuel Paoiton ng DPWH Upper Kalinga District Engineering Office na pansamantalang isinara sa mga motorista ang lansangan sa Mabongis Section, Bugnay, Tinglayan dahil sa 20 meters na taas ng landslide.
Habang nasa 5 kalsada naman ang one lane passable lang dahil sa rockslide sa bayan ng Pasil at Balbalan.
Sinabi ni Paoiton na bukas pa isasagawa ang clearing operation sa mga apektadong lansangan dahil sa kakulangan ng kagamitan tulad ng blasting materials.