
Inakusahan ng kampo ni Leyte Rep. at dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez si content creator Franco Mabanta at ang Peanut Gallery Media Network (PGMN) ng extortion, kasunod ng pag-aresto sa kanila ng NBI.
Ayon kay Atty. Elaine Atienza, tagapagsalita ni Romualdez, hindi ito usapin ng press freedom kundi ng umano’y panunuhol kapalit ng pananahimik.
Giit niya, kung may ebidensya ng korapsyon, dapat itong isinusumite sa awtoridad at hindi ginagamit bilang “leverage” para sa pera.
Ikinasa ang entrapment operation ng NBI na nagresulta sa pag-aresto kay Mabanta at apat pa, na inireklamo ng robbery at extortion.
Itinanggi naman ng PGMN ang mga paratang at sinabing isa itong “setup” at may inihahanda silang exposé laban kay Romualdez.
-- ADVERTISEMENT --










