
Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi pa kasama si dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa case referrals na ginawa ng Independent Commission for Infrastructure.
Gayunpaman, sinabi ng pangulo na kung may lalabas laban kay Romualdez, na kanyang kamag-anak, kailangan niya itong sagutin.
Ayon kay Marcos, may 37 individuals, kabilang ang ilang mambabatas, dating mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH, at contractors, ang kabilang sa unang batch ng case referrals sa Office of the Ombudsman.
Una rito, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may pananagutan din si Romualdez sa gross negligence dahil sa mga ginawa ni dating Appropriations panel chairperson and Ako Bicol party-list Zaldy Co na nahaharap sa criminal complaints dahil sa maanomalyang P289 million flood control project sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Remulla, bagamat hindi kabilang si Romualdez sa Bicameral Conference Committee na pinag-iisa ang House at Senate versions ng panukalang budget, hindi siya ligtas sa pananagutan sa naging aksyon ni Co.










