
Nanindigan si dating House Speaker Martin Romualdez na malinaw ang kanyang konsensya sa gitna ng mga paratang ni dating Ako-Bicol Partylist representative Zaldy Co tungkol sa umano’y P100 bilyong insertions sa pambansang badyet ng 2025.
Iginiit ni Romualdez na wala siyang nagawang pagkakamali at wala ring opisyal, kontratista, o saksi na nagpatunay ng anumang di-wastong gawain sa kanyang bahagi.
Pinaniniwalaan niya na patas na susuriin ng Independent Commission on Infrastructure, Department of Justice, at Ombudsman ang lahat ng pahayag batay sa ebidensya.
Handa rin aniya siyang makipagtulungan sa anumang legal na proseso upang lumabas ang katotohanan.










