
Isiniwalat ni dating presidential spokesperson Harry Roque na totoong lumabas na umano ang warrant of arrest laban kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ito’y mula raw sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga kasong isinampa sa kanya na may kinalaman sa “Oplan Tokhang” na ipinatupad niya noong hepe pa siya ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng Duterte administration.
Sa kanyang official Facebook page, ibinalita ni Roque kagabi, December 7, na lumabas na umano ang arrest warrant laban sa senador.
Kasabay nito, pinayuhan ni Roque si Dela Rosa na huwag pa-kidnap, at iginiit na mayroon siyang karapatan na iharap sa korte sa bansa.
Ayon sa kanya, mas mainam na pumunta sa Korte Suprema si Dela Rosa para magpasakloklo.
Halos isang buwan nang hindi nagpapakita sa Senado si Dela Rosa, mula nang sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na may kopya na siya ng arrest warrant laban sa senador mula sa ICC.










