Nagpatupad ng rotational brownout ang ngcp sa ilang bahagi ng Luzon na nagsimula kaninang alas dos ng hapon.

Sa advisory ng NGCP magtatagal ng isang oras ang ipinapatupad na Manual Load Dropping (MLD) dahil sa mahinang suplay ng kuryente sa hydroelectric power plants.

Apektado sa nasabing pagbabawas ng suplay ang sumusunod:

CAGELCO II (parts of Cagayan and Apayao)

PELCO III (parts of Pampanga)

-- ADVERTISEMENT --

QUEZELCO I (parts of Quezon)

CASURECO III (parts of Camarines Sur)

MERALCO (parts of Metro Manila)

Isinasagawa ang manual load-dropping ng power distributors upang balansehin ang “supply” at “demand” ng kuryente ng kanilang generators.