Kinumpirma ng abogado ni retired police colonel Royina Garma na nag-apply siya ng asylum sa Estados Unidos.
Sinabi ni Atty. Emerito Quilang, naghain ng asylum si Garma noong November 2024, kasunod ng pag-aresto sa kanya sa US dahil sa pagkansela sa kanyang visa.
Ayon kay Quilang, humihingi na sila ng pagdinig sa kanilang kahilingan na asylum, sa kabila na alam nila na mahigpit ang US sa ganitong usapin.
Sinabi ni Quilang na unang itinakda ang unang pagdinig noong April 2, subalit ito ay nakansela.
Nang tanungin siya kung ano ang mga basehan sa kahilingan na asylum ni Garma, sinabi ni Quilang na wala siyang alam sa nasabing kaso.
Ayon sa kanya, may ibang abogado si Garma sa abroad.
Matatandaan na umalis si Garma matapos ang pagdalo sa maraming pagdinig ng House Quad Committee tungkol sa drug war ng Duterte administration.