
Nagpakawala ang Russia ng tinawag nitong “massive strike” laban sa Kyiv at iba pang bahagi ng Ukraine gamit ang mga missile at drone, ayon sa Russian Defense Ministry.
Sinabi ng Russia na kabilang sa mga tinarget ang mga pasilidad sa Kyiv na gumagawa at nag-iimbak umano ng Flamingo cruise missiles at mga medium- at long-range drone.
Tinamaan din umano ang mga pasilidad sa Kyiv, Chernihiv, Kirovohrad, Dnipropetrovsk, Poltava at Kharkiv.
Ayon pa sa Russia, target din ng operasyon ang mga port at ship-repair facility sa Odesa, pati mga barkong sinasabing ginagamit para sa interes ng Ukrainian armed forces.










