
Matapos ma-deport pabalik sa Russia, nagbahagi ang Russian prankster na si Vitaly Zdorovetskiy ng ilang larawan ng kanyang karanasan sa ilang buwang pagkakakulong sa Pilipinas.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Vitaly ang video ng kanyang pananatili sa kulungan, pati na rin ang mga kuha ng kanyang pagdating sa Russia.
Nagpasalamat naman ang vlogger sa mga patuloy na sumuporta sa kanya sa gitna ng kanyang pinagdaanan at inanunsyo na maglalabas siya ng isang kumpletong documentary tungkol sa kanyang naging karanasan.
Matatandaan na inaresto si Zdorovetskiy noong Abril ng nakaraang taon matapos mag-viral ang kanyang mga video kung saan hinaras niya ang ilang Pilipino sa Bonifacio Global City.










