Binigyan diin ni Russian President Vladimir Putin na isang napakalaking pagkakamali para sa South Korea kung magpapadala ito ng mga armas sa Ukraine.

Ito ay kasabay ng kanyang pahayag na mayroon silang mutual defense pact ni North Korean leader Kim Jong Un.

Sinabi pa ni Putin na walang dapat na ikabahala ang South Korea kaugnay sa bagong strategic partnership na nilagdaan ng Russia sa North Korea.

Ayon sa kanya, maipatutupad lamang ang military assistance sa North Korea sa ilalim ng kanilang kasunduan kung may magaganap na pagsalakay sa isa sa lumagda sa dokumento.

Mariing kinondena ng South Korea ang nasabing kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyang diin ni National Security Director ng South Korea na ang nasabing tratado sa pagitan ng Russia at North Korea ay hindi totoo.