
Inanunsyo ng content creator na si Sachzna Laparan at partner nitong si Mark Pascual ang kanilang paghihiwalay matapos ang tatlong taong relasyon sa magkahiwalay na Facebook posts.
Sa kanyang pahayag, nagpasalamat si Sachzna sa pagmamahal, suporta, at mga sakripisyong ibinigay ni Mark, na aniya’y malaki ang naitulong sa kanyang personal na paglago at sa mga tagumpay na kanyang natamo.
Gayunman, sinabi niyang napagdesisyunan na niyang wakasan ang kanilang relasyon dahil hindi na niya kayang tiisin ang umano’y “betrayal” at paulit-ulit na sakit na kanyang naranasan.
Sa kabila ng kanilang hiwalayan, kinilala ni Sachzna ang naging malaking papel ni Mark sa kanyang buhay at pinasalamatan ito sa tatlong taong pagsasama.







