
Nanguna sa September 2026 Social Workers Licensure Examination ang graduate ng Saint Louis University na si Zirc Iram Dela Cruz Sanchez matapos makakuha ng 93.40% na rating.
Batay sa Professional Regulation Commission o PRC, 8,383 sa 10,991 examinees ang pumasa sa pagsusulit na isinagawa sa 18 testing centers sa buong bansa.
Samantala, ilang paaralan ang nagtala ng 100% passing rate, kabilang ang Saint Louis University na may 49 na examinees at lahat ay nakapasa.
Kabilang din sa mga paaralang may 100% passing rate ang Saint Paul University-Tuguegarao, kung saan lahat ng 26 examinees ay nakapasa, at Urdaneta City University, na may 30 na pumasa sa 30 examinees.










