
Ilalatag ng House prosecution ang mga ebidensya kaugnay ng alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman ni Vice President Sara Duterte sa pagpapatuloy ng impeachment trial bukas, Setyembre 14.
Kabilang sa unang susuriin ang kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o SALNs, gayundin ang mga rekord ng mga kumpanyang iniuugnay sa kanya at sa kanyang asawang si Manases “Mans” Carpio.
Tatlong saksi ang ihaharap ng prosekusyon, kabilang ang retiradong Sandiganbayan justice at mga opisyal ng Office of the Ombudsman at Securities and Exchange Commission.
Mahigit 1,800 dokumento mula sa mga bangko, buwis at iba pang rekord pinansyal ang inihanda bilang ebidensya sa Article II ng impeachment case.










