Sa kabila ng kanyang healthy lifestyle, isiniwalat ni Sam Milby na siya ay na-diagnose na may Type 2 diabetes buhat pa nitong nakalipas na taon.

Sinabi ni Milby na inakala niya na malusog siya dahil hindi naman siya mahilig sa matatamis at bihira din siyang kumain ng junk foods, subalit nagulat siya dahil mayroon na pala siyang type 23 diabetes.

Ayon sa kanya, wala namang diabetes ang kanyang mga magulang at maging kanyang mga grandparents.

Sinabi niya na sana ay dati na siyang nagpakonsulta upang nalaman agad ang kanyang kundisyon.

Dahil dito, ipinayo ni Milby na huwag balewalain ang mga nararamdaman na sintomas tulad ng palagiang pagkauhaw at madalas na umihi at regular na magpa-check-up.

-- ADVERTISEMENT --