Isa nang ganap na batas ang same-sex marriage sa Thailand.

Ito ay matapos na lagdaan ni King Maha Vajiralongkorn ang batas na ipinasa ng parliament noong Hunyo ngayong taon, kung saan ay magiging epektibo ito sa loob ng 120 days, ibig sabihin ang unang pagpapakasal ay inaasahan sa January 2025.

Dahil dito, ang Thailand ang kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na kinikilala ang marriage equality.

Nagbunyi naman ang mga aktibista sa tinawag nilang “monumental step” dahil ang Thailand na ang pangatlo sa puwesto sa Asia na pinapahintulutan ang same-sex marriage, sumusunod sa Taiwan at Nepal.

Samantala, mahigit 30 bansa sa buong mundo ang legal ang kasala para sa lahat, matapos na ang Netherlands ang una na nagdiwang ng same-sex unions noong 2001.

-- ADVERTISEMENT --